Friday, January 29, 2010

ito na ata ang pinakamalungkot na araw ko sa buong buhay ko sa kasalukuyan. hindi ko alam kung ano ba ang ginawa o hindi ko ginawa at naging ganito ang kinalabasan.

naghahanap ako ng sagot pero hindi ko ito makita. tila ba naghahanap ako ng may piring ang mata, bulag at walang makita.

saan nga ba ako nagkamali? saan ako nagkulang? ano na ba ang dapat kong gawin? ako ay nalilito, nawawala muli.

madilim ang gabi... sana pati ang umaga ay hindi mahawa ng kadiliman...


-_-_-_-_-

No comments: